Search here: this blog & the web

Showing posts with label Buhay in General. Show all posts
Showing posts with label Buhay in General. Show all posts

Tuesday, October 11, 2011

Ang Buhay Parang Life...

"Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay.
Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw.
Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

Sunday, October 2, 2011

Ang Buhay Parang Life...

"Mangarap ka at abutin mo.
Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis.
Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima.
Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

Wednesday, September 14, 2011

Ang Buhay Parang Life...

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o
maglakad sa bubog nang nakayapak,
pero wag na wag kang susubok mag-drugs.
Kung hindi mo kayang umiwas,
humingi ka ng tulong sa mga magulang mo
dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."